public static void main( String[] args ) throws Exception {
/**
computer science ba ang course mo? gusto mo na bang magwala dahil feeling mo nasisiraan ka na ng ulo? wag kang mag-alala, kaibigan! kasama mo ako.
sa mga ganitong pagkakataon kung san binibigyan kami ng mga prof namin ng mga programming projects (actually, tig-isa lang ang prof at ang project na binigay samin, pero parang ganun na rin yun, parang marami na rin), hindi mahirap isipin para sa isang cs major ang magshift sa ibang kurso. at minsan, imbis na magtype ka nang magtype ng code eh napapaisip ka tungkol sa buhay habang dahan-dahang kumukuti-kutitap ang cursor sa computer mo na tila bang kinukutya ka at sinasabing, "bobo ka, bobo ka." hindi kita masisisi. ako rin, marami nang na-realize tungkol sa buhay natin. eto sila:
una, gaguhan na lang tong computer science eh. nung orientation seminar, sabi ni maam didith hindi raw mahalaga na may background ka sa programming dahil tuturuan naman daw nila kami ng basics, although makakatulong talaga kung meron ka. pero kung nakinig kang mabuti sa mga klase ng tanong na lumabas sa bibig ng may mga programming experience mong blockmates, dun pa lang siguro maaawa ka na sa sarili mo. mas maawa ka naman sa sarili mo kung alam mong sa isang pipichuging skwelahan ka lang nanggaling na html lang ang naiturong matino sayo nung hayskul dahil nung 1st year hanggang 3rd year ninyo eh mga katulad pa rin ng microsoft word, excel, at powerpoint pa rin ang pinag-aaralan ninyo. oo, totoo nga, matututo ka ng basics sa mga cs subjects ninyo, pero ang totoo nyan, hindi sapat ang basics.
halimbawa, sa programming language na java, mayroon na itong mga built-in program codes (classes ang tawag dun) na pwedeng mong gamitin instead of "reinventing the wheel." ang problema dito, halos isanlibo yatang classes yun! ngayon, sinong hungkag ba naman na may matinong pag-iisip ang magtityagang mag-aral ng ganun karaming codes, aber??
kung sa bagay, hindi mo naman kailangan pag-aralan lahat. pero marami sa mga yun ang KAILANGAN mo at kung programmer ka, maiintindihan mo kung bakit napakahalagang padaliin ang buhay imbis na nag-iisip ka dyan kung papano gumawa ng original mong code.
ngayon, kung ang mga kaklase mo na siya mo ring magiging kalaban sa pag-aapply ng trabaho ay matagal nang nagpoprogram at maraming alam na mga built-in classes, lagot ka boy! matakot ka! dun pa lang, may advantage na siya! ngayon, heto ang magandang tanong: ano ang patutunguhan ng isang baguhang computer programmer na katulad mo?
kahit sabihin mo pang "eh ano naman? ede pag-aralan," hindi ka naman hihintayin ng corporate world na matuto muna bago ka tanggapin sa trabaho eh. irereserba ba nila yung posisyon mo sana sa kumpanya para mag-aral ka muna? hindi! ibibigay nila yun dun sa mas magaling, sa marunong na! wala silang sinasayang na oras. at kahit sabihin mo pang nabasa mo na yung mga programming books na kailangan mo, ano naman ang assurance nun na mas mataas na yung level of experience mo with the programming language? wala rin diba? and you can't just tell the companies, "oh, ive read the book na. marunong na ako nyan," dahil pag napasubo ka sa isang problem na hindi mo kayang solusyonan, patay ka. so napakahalagang elemento talaga nung oras, kung gaano katagal ka nang nagpoprogram.
besides, kahit naman magsipag ka mag-aral eh, do you really think na darating yung panahong magkakapatas-patas na kayo ng alam nung mga dati pang programmer? hindi ka rin sigurado. lalong lalo na kung masipag din silang mag-aral. and im sure, habang pinag-aaralan mo kung ano yung alam na nila, may pinag-aaralan na silang bago. may edge na naman sila sayo. sa mga prof mo pa nga lang eh, sila na yung mga "good shot." kanila yung mga projects na astig yung mga graphics. anyway, it all boils down to what we call the "teacher factor," at syempre, sino pa ba ang papaboran kundi yung mga good shot? kahit kelan, kahit anong mangyari, hinding hindi kayo magkakatalo. ang corporate world ng computer science ay hindi para sa mga baguhan. gaguhan, pwede pa.
ikalawa, kung katulad mo ako na binatang binata pa at normal naman talaga ang testosterone levels sa katawan (in other words, kung malibog ka), mapapansin mo ring nakakabaog ang computer science. tanungin mo ang sarili mo kung ilang beses kang nagkaroon ng erection habang ginagawa mo yung programming project ninyo. kung zero, baka conservative ka lang.. pero maalarma ka. tumitingin ka pa ba sa mga magagandang bebot na nakakasalubong mo o ang bawat isa ba sa kanila ay nagmumukha nang computer monitor sa iyo? nakakaramdam ka pa ba ng tukso na manood ng porn? dahil kung hindi, naku.. magtaka ka, kompyuter na nga yang katrabaho mo hindi mo pa magamit. hindi ko naman pinopromote ang pornography dito ano, pero reality check lang. base lamang ito sa isang kanta na sa mga cs blockmates ko pa talaga natutunan:
"The internet is really really great... FOR PORN."nakatutuwa pa rin namang isipin na kahit papano eh may nananalaytay pa palang kalibugan sa mga ugat ng cs blockmates ko. to think na sila ang nagturo sa akin ng kantang yan imbis na ako ang maturo sa kanila?! hahaha.. well, congratulations sa atin mga jailmates.
anyway, ikatlo, ang pinakamatunog at pinakamaanghang na salitang palaging binabanggit sa mga fil11 at fil12 classes ng pamantasang ateneo de manila, na siya rin namang isa sa mga pinakamalalaking reklamo ng mga marxista: ang dehumanisasyon. opo mga kaibigan, kaming mga cs majors ay dehumanisado rin, hindi lamang ang mga magsasaka at mga manggagawa.
kung inaakala mo na ikaw na ang pinakamatalinong tao sa mundo dahil ang dami mong alam na programming languages, at kung tuwang tuwa ka sa bawat achievement mong makagawa ng isang napakatalinong program code na para bang ikaw lang talaga ang may kakayahang mag-isip ng ganon sa mundong ito, pwes, kabahan ka. huwag na huwag mong kakalimutan na ang pagpoprogram ay pakikipag-usap sa makinang pinapagana mo. kung maaalala mo ang history ng computing, dati, mga low-level programming languages lang ang ginagamit ng tao, nangangahulugang malapit ito sa wikang naiintindihan ng mga makina at malayong malayo sa likas na katalinuhan na tao. kaya nga nadevelop ang mga high-level languages katulad ng java, c, at c++ eh, dahil gumagamit ang mga ito ng mga salitang nakikita natin sa wikang ingles at tinatranslate na lamang sa wikang naiintindihan ng mga makina, ang binary code. 10010101010010110011
kahit sabihin pa nating high-level language na ang ginagamit natin sa pagpoprogram, the mere fact na pinag-aaralan mo ang isang programming language ay nangangahulugang ibinababa mo ang lebel ng pang-unawa mo sa kung ano lang ang naiintindihan ng isang makina. eh makina ka ba? hindi mag-aadjust sayo ang computer na pinoprogram mo kaya kailangang ikaw ang mag-adjust sa kanya. kailangang mong maging isang makinang katulad niya.
isa pang interesanteng tanong eh papano na lamang kung nawala na ang lahat ng mga computer sa buong mundo. ano na lang ang magiging kabuluhan ng isang computer scientist bilang isang tao sa lipunan? sa ganitong paraan, hindi mo lang nahahalata pero ninanakawan ka ng kabuluhan at pagkatao at unti-unti ka nang nagiging dehumanisado. matakot ka kung hindi halata yung pagdedehumanisang ginagawa sayo. lalo kang matakot pag feeling mo matalino ka talaga at mataas ang tingin sayo ng mga tao dahil "walking compiler" ang tawag sayo ng mga kaibigan mo. hindi ka dapat natutuwa sa ganung klase ng banat.
at syempre, dito na pumapasok yung ikaapat kong punto, kung kelan halos kumpleto na ang pagkadehumanisa sayo at marunong ka nang magprogram o makipag-usap sa makina: ang alienisasyon.
ito ang dahilan kung bakit naiistereotype ang mga cs majors bilang mga nerd o mga geeks. walang ibang makaiintindi sa mga katarantaduhang pinagsasasabi nila kung hindi sila-sila lang rin, at hindi sila matutulungan ng mga ordinaryong nilalang lamang. sya nga pala, ni hindi mo pwedeng tawaging "katarantaduhan" yung mga gawain nila, dahil bilang mga tao na nag-aaral tungkol sa mga computer, natural lamang na tungkol din sa mga computer ang maging problema nila, kaya wala kang karapatan para husgahan yun. pero nakakatakot ang mga implikasyon nun kung kinakailangang maging natural ang alienisasyon para mapag-aralan mong mabuti ang mga computer. ang masama pa dito, hindi mo kasalanang walang ibang makakaintindi sa iyo.
ngayon, kung walang nakakaintindi sayo, saan ka kukuha ng mga kaibigan mo? syempre, ede sa mga ka-course mo. but then again, alienization 'to. kaya ka nga may kaibigan eh diba, para pag may problema ka, meron kang mapagkukwentuhan. papano mo ipapaliwanag yung hirap at sakit na nararamdaman mo kung wikang makina lang ang nakakaintindi dito at hindi yun kayang abutin ng taong kausap mo? papano mo ieexplain yung insecurity na nararamdaman ng isang baguhang programmer sa mga kaklase nyang expert na expert na, kung yung mga kaibigan naman nya eh hindi kayang abutin yung mga pagpapaliwanag nya?
kung computer ang kakausapin mo, may mapapala ka ba? eh mismong mga comments mo na nga lang may syntax pang kailangan sundin eh. kailangan, pati comments mo, itatranslate sa wika ng makina. pag aprub naman na yung syntax nya, anong gagawin ng computer? comments are simply ignored by the compiler.
isang maikling eksena mula sa last session, o evaluation, ng intact class namin (intact = introduction to ateneo culture and traditions, in other words, homeroom):
miggy: so far, ano naman yung mga natutunan ninyo sa intact?
matt: na ang intact ay isa palang malaking aksaya lamang ng pera! bwahaha.. (medyo nahiya, kaya biglang bawi) pero syempre intact won't be fun without miggy!! yey!
meklot: ciw! nung nagpunta tayo sa correctional.
will: we learned how to bkjwbkjwhlwjll [basta something na may kinalaman sa computers eh]
matt: ha?
clang: ha?
ding: ha?
andrea: what? oh, yeah... that.
ewan ko ba kung bakit ko sinasabi tong mga to. siguro, kasi, ang gusto ko sanang isagot sa tanong ni miggy eh nung may session kami tungkol sa "burning yes," kung saan pinag-isipan naming mabuti kung nag-aalab pa ba yung motivation namin na tapusin yung computer science. ewan ko, baka ngayon ko lang to nararamdaman, pero feeling ko, hindi na.
kung mapapansin nyo, may throws Exception statement ang method na ito. ngayon, kung isa ka sa mga exception na itinatapon dito, well... ewan. basta good luck na lang sayo.
*/
System.exit( 0 );
}