Friday, March 30, 2007

nurga imza... XD

psst!!! Kung gusto niyo malaman kung ano ang nangyari sa SI trip... basahin niyo na lang yun nasa blog ko. click niyo na lang yun link sa blog ko diyan sa gilid. =) tamad na ako mag-copy paste eh. ^^;;

Wednesday, March 28, 2007

try-catch (ExSIption e) final!!!

o ayan... sa Splash Island na lang tayo kahit kakaunti lang. Iinggitin na lang natin sila. WAHAHAHA!!!! =P joke lang un inggit pero yun SI.. hnd joke yun!

eto na ang alam kong pupunta/call sa SI:

- Rudolf
- Nelvin
- EJ
- Sher
- Ding
- Andrea
- Amboy
- RB

** kung may hahabol, text niyo na lang ako (Ding) o kaya IM sa YM. ^^ pwede rin ang snail mail kaso baka maiwan na kayo pag ginawa niyo yun.

Nasa isang post yun mga reminders natin ah! =D ahehehe.. sa Friday!!! Wee!!! sa susunod na lakad naman... dapat buong block na! kapag sinabing buong block... 29 persons/tao/homo sapiens ang dapat nandun para hindi lang sa ateneo tayo kumpleto. =D

****** MORE EDIT!!!! *******
ok... reminders na natin eto...

Meeting time: 7:00 - 7:59 AM
Meeting place: Faura steps
Departure time: 8:00 AM
Arrival time (back to Ateneo) : Depends... =D *mga hanggang 3 daw tayo sa splash*

Reminders:
- Remember to bring:
--> swimming attire
--> 1 change of clothes
--> shampoo, soap
--> towel
--> sunblock
--> money (around P600)
--> plastic bags (for wet clothes and emergency purposes)
--> light food (pero iiwan din natin ito sa kotse kasi bawal magdala ng pagkain sa loob)
- After SI, punta tayo ng Eastwood para dun kumain. ^^ Para sulit naman daw yun trip natin.

Ayan! =D ahehehe... yun lang!!

Monday, March 19, 2007

try-catch(ExSIption e)

Wala pa akong maisip na bagong pangalan basta dapat may koneksyon sa "splash" window. Ahehehe.. XD anyway...

Dahil nga sa mga hindi inaasahang mga rebelasyon sa ating try-catch( EKception e ) na outing, eto na ang new installment, in other words kapalit, ng ating outing. Ang plano naman ngayon sa Splash Island. (yey! swimming!) Swerte natin at bukas na ang splash island sa Mar. 30, 2007. Isa siyang Firday. XD ahaha (sama!)

Ticket: P250.00
Park Hours: 9 AM - 5 PM

Call kayo diyan? ^^ Halos pareho lang naman ang info sa atin EKception trip. Pareho yun mga magdadala ng sasakyan, un coordinators at malamang yun mga sasama. =P Yun nga lang, magdala kayo ng swim wear, toiletries, towel at iba pang kailangan for swimming. Kung gusto niyo ng salbabida, why not? ayun... ^^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
May pangalan na ang outing na ito... try-catch(ExSIption e) XD ahehehe

isang tabi na muna un... eto na ang iba sa mga nailista namin na dadalhin, sa madaling salita Things to bring.

Things to Bring:
- swimwear (duh) [includes swimsuit, swimming trunks, bikini, shirt, shorts] * kung susuot ng shirt/shorts daw basta may swimsuit/trunks sa loob. Bawal ang mga shirt/shorts na may butones, zipper, rivets (kung ano man yan) at ibang metal na bagay na susuotin kung lalangoy*
- towel (hindi good morning towel at hindi rin face towel)
- money ( mga P1000 para sa entrance fee, pagkain, at miscellaneous things tulad ng toll fee at gas)
- malamang pamalit na damit at underwear
- goggles/swimming cap at kung anu-ano pang mga gamit pang swimming (kasama na ang sun block)

Things NOT to Bring:
- alcoholic beverages
- glassware or any breakable items
- deadly weapon
- food and drinks (including water) [wag mag-alala, maraming tubig doon]
- personal floatation devices
- prohibited drugs
- stereo or any two-way radios
- pets (kahit isda? ToT)


May lockers na doon kaso first come first serve basis yun lockers... OwO agahan natin!!! O nga pala, eto na ang suggested na oras

When: Mar. 30, 2007
Meeting Place: Faura Steps pa rin
Meeting/Gathering Time: 7:00 AM
Time of Departure: Secret!! basta... kapag wala pa kayo ng depature time, sorry kayo, iwan!

Confirm niyo naman by Wednesday, Mar. 28, 2007 kung pupunta kayo.

Mga pupunta as of the moment:
- Andrea
- Ding
- Nelvin
- Rudolf
- Yanyan
- EJ
- Honey
- Sher (wait... tama ba? OwO nalimutan ko eh)
- Bembem

*more to be added*

Saturday, March 17, 2007

try - catch (EKception e) part 2 EDIT

EHEM may umepal kasi eh. >:)

Anyways, just to inform you guys, P500 (weekday rate, P600 weekend at holiday) na ang entrance sa EK (yung walang discount). Such anuses/ani! So I would be putting extra effort in making kulit my mudrax about the discounted tickets, IF THEY STILL EXIST.

Tapos daw, EK would be closed to the public for 3 saturdays, March 24, 31, and April 14. Kasal daw ni Sushmita kay Chulalongkorn (ewan ko, private function daw eh). Tapos the park is open from 2pm - 10pm on weekdays and 10am - 10pm on weekends on March 26 - June 3 (ewan ko kung bakit).

So guys kung magpapaalam kayo, sabihin niyo late na tayo makakauwi kasi nga 2pm pa mag-oopen yung park. Ang tatamad kasi gumising ng mga p*tang yan sa EK! Haha :D So if you want, lamon muna tayo somewhere CHEAP kasi ampnessa yung ticket na yan eh (worst-case scenario peeps).

I still have to verify kung magkano ang toll mula Nichols hanggang Sta. Rosa (tama ba?)

So ayan, pagplanuhan na ha! Effort na effort ako eh :D

O yeah, for more info, bwisit:
http://www.enchantedkingdom.com.ph/index.htm.

THE SONG SUCKS ZOMFG! PATAYIN NIYO YUNG SPEAKERS NIYOOOO!

~

recent development: nagka-war.

guys, sad to say, pero mukhang malabo na yang discounted tickets na yan.
go pa ba tayo? P500?

meron ba sa inyong may lugar somewhere in tagaytay or malapit sa betch?

~

More recent development: change venue

Dahil mahal ang entrance fee sa EK, change venue na lang tayo. ^^ Call/Game ba kayo sa splash island? ^^ P250 ang entrance fee from Modnays to Firdays (sabi sa website... di ako nagloloko. ahaha check niyo pa http://www.splashisland.ph/main.html) pero tatawagan pa namin (o kung may mag-vovolunteer better =) ) para malaman kung bukas ba talaga sila.

eps:)

heyheyhey:) view nyo blog ko. may new post especially for the N block;) pati na rin viewers ng blog namin, pakiview yung blog ko:))


promote-promote lang!!!:) www.tabulas.com/~sikeroh
blog ni kuya jay, yung log natin nung orsem.

Friday, March 16, 2007

try - catch (EKception e)

Hoi ano ba!

Ano na ang details? Wala pa rin kasing concrete plans eh. Puro yaddahs lang! Disappointing! Anyway, I am working to get the discounted tickets. Hindi ko pa sure kung magkano (pero sure ako na less than P400.00) Bayaran niyo ako ha! Kung P200 each yun tapos mga 30 tayo... P6000!? Shet na malagket!

Anyway, eto pa lang yung details...


EKception: Block N's trip to Enchanted Kingdom


Programmers/Compilers:
Melody, Diane, at si Rudolf

Line of Error:
not sure, Ateneo probably (pero ang layo ata...)

Time of Error:
ewan ko pa - ewan ko pa
(siguro alis tayo sa LoE ng mga 9 or 10 tapos balik tayo ng mga 6 para hindi pa madilim sa daan. unless na gusto niyo mapanood yung fireworks before they close...)

Run As:
yung may mga transpo, pakitanong na please kung pwede guys:
Nelvin
John
Bembem
Mika
Clang
Ding
Joseph (sino si Joseph?? >_<)
sila lang ang alam kong may transpo eh.. Yung iba dala na rin kung maaari. Susubukan naming ayusin na agad ang details para makapagpaalam ng maayos. K? (a call to the other programmers...)

Total Lines of Code:
hindi ko pa alam yung discounted price (mga P200 - P300 kung hindi pa nag-iba since dati), kung hindi P400 (kung hindi pa sila nagtaas). Tatawag ako asap sa office ng EK, don't worry.

Import these Packages:
- extra shirt (please lang! mabaho ang tubig ng Rio Grande! nonetheless, yucky ang amoy pawis)
- pocket money kasi kakain tayo duhness at other misc expenditures (like toll, gas)
- bahala na kayo sa iba
- parental permission slip (wtf?!)

/** Reminders
- wag kayong magdala ng mga writing materials. bawal vandals eh. iwan na lang sa transpo
- wag mag fliflafs as much as possible. strapped sandals pede pa siguro magdala na lang in any case.
- I care!
- ano ba yun "I care!" tse!
- wag naman sana maging kj yung iba ha. sama na kasi eh!
- bawal ang food sa park. mahal ang food sa park. kakain tayo sa labas.
- sabihin niyo "required" para payagan kayo or something. HAHA!
- maawa kayo sa bibili ng discounted tickets (kung makakabili siya). bayaran niyo siya ha! mahal eh, P6000. uutang pa ako kay mudra h u h u.
- enjoy!
*/

[this post is subject to revision :D]

Sunday, March 4, 2007

introduction to computer science

public static void main( String[] args ) throws Exception {

/**
computer science ba ang course mo? gusto mo na bang magwala dahil feeling mo nasisiraan ka na ng ulo? wag kang mag-alala, kaibigan! kasama mo ako.

sa mga ganitong pagkakataon kung san binibigyan kami ng mga prof namin ng mga programming projects (actually, tig-isa lang ang prof at ang project na binigay samin, pero parang ganun na rin yun, parang marami na rin), hindi mahirap isipin para sa isang cs major ang magshift sa ibang kurso. at minsan, imbis na magtype ka nang magtype ng code eh napapaisip ka tungkol sa buhay habang dahan-dahang kumukuti-kutitap ang cursor sa computer mo na tila bang kinukutya ka at sinasabing, "bobo ka, bobo ka." hindi kita masisisi. ako rin, marami nang na-realize tungkol sa buhay natin. eto sila:

una, gaguhan na lang tong computer science eh. nung orientation seminar, sabi ni maam didith hindi raw mahalaga na may background ka sa programming dahil tuturuan naman daw nila kami ng basics, although makakatulong talaga kung meron ka. pero kung nakinig kang mabuti sa mga klase ng tanong na lumabas sa bibig ng may mga programming experience mong blockmates, dun pa lang siguro maaawa ka na sa sarili mo. mas maawa ka naman sa sarili mo kung alam mong sa isang pipichuging skwelahan ka lang nanggaling na html lang ang naiturong matino sayo nung hayskul dahil nung 1st year hanggang 3rd year ninyo eh mga katulad pa rin ng microsoft word, excel, at powerpoint pa rin ang pinag-aaralan ninyo. oo, totoo nga, matututo ka ng basics sa mga cs subjects ninyo, pero ang totoo nyan, hindi sapat ang basics.

halimbawa, sa programming language na java, mayroon na itong mga built-in program codes (classes ang tawag dun) na pwedeng mong gamitin instead of "reinventing the wheel." ang problema dito, halos isanlibo yatang classes yun! ngayon, sinong hungkag ba naman na may matinong pag-iisip ang magtityagang mag-aral ng ganun karaming codes, aber??

kung sa bagay, hindi mo naman kailangan pag-aralan lahat. pero marami sa mga yun ang KAILANGAN mo at kung programmer ka, maiintindihan mo kung bakit napakahalagang padaliin ang buhay imbis na nag-iisip ka dyan kung papano gumawa ng original mong code.

ngayon, kung ang mga kaklase mo na siya mo ring magiging kalaban sa pag-aapply ng trabaho ay matagal nang nagpoprogram at maraming alam na mga built-in classes, lagot ka boy! matakot ka! dun pa lang, may advantage na siya! ngayon, heto ang magandang tanong: ano ang patutunguhan ng isang baguhang computer programmer na katulad mo?

kahit sabihin mo pang "eh ano naman? ede pag-aralan," hindi ka naman hihintayin ng corporate world na matuto muna bago ka tanggapin sa trabaho eh. irereserba ba nila yung posisyon mo sana sa kumpanya para mag-aral ka muna? hindi! ibibigay nila yun dun sa mas magaling, sa marunong na! wala silang sinasayang na oras. at kahit sabihin mo pang nabasa mo na yung mga programming books na kailangan mo, ano naman ang assurance nun na mas mataas na yung level of experience mo with the programming language? wala rin diba? and you can't just tell the companies, "oh, ive read the book na. marunong na ako nyan," dahil pag napasubo ka sa isang problem na hindi mo kayang solusyonan, patay ka. so napakahalagang elemento talaga nung oras, kung gaano katagal ka nang nagpoprogram.

besides, kahit naman magsipag ka mag-aral eh, do you really think na darating yung panahong magkakapatas-patas na kayo ng alam nung mga dati pang programmer? hindi ka rin sigurado. lalong lalo na kung masipag din silang mag-aral. and im sure, habang pinag-aaralan mo kung ano yung alam na nila, may pinag-aaralan na silang bago. may edge na naman sila sayo. sa mga prof mo pa nga lang eh, sila na yung mga "good shot." kanila yung mga projects na astig yung mga graphics. anyway, it all boils down to what we call the "teacher factor," at syempre, sino pa ba ang papaboran kundi yung mga good shot? kahit kelan, kahit anong mangyari, hinding hindi kayo magkakatalo. ang corporate world ng computer science ay hindi para sa mga baguhan. gaguhan, pwede pa.

ikalawa, kung katulad mo ako na binatang binata pa at normal naman talaga ang testosterone levels sa katawan (in other words, kung malibog ka), mapapansin mo ring nakakabaog ang computer science. tanungin mo ang sarili mo kung ilang beses kang nagkaroon ng erection habang ginagawa mo yung programming project ninyo. kung zero, baka conservative ka lang.. pero maalarma ka. tumitingin ka pa ba sa mga magagandang bebot na nakakasalubong mo o ang bawat isa ba sa kanila ay nagmumukha nang computer monitor sa iyo? nakakaramdam ka pa ba ng tukso na manood ng porn? dahil kung hindi, naku.. magtaka ka, kompyuter na nga yang katrabaho mo hindi mo pa magamit. hindi ko naman pinopromote ang pornography dito ano, pero reality check lang. base lamang ito sa isang kanta na sa mga cs blockmates ko pa talaga natutunan:

"The internet is really really great... FOR PORN."

nakatutuwa pa rin namang isipin na kahit papano eh may nananalaytay pa palang kalibugan sa mga ugat ng cs blockmates ko. to think na sila ang nagturo sa akin ng kantang yan imbis na ako ang maturo sa kanila?! hahaha.. well, congratulations sa atin mga jailmates.

anyway, ikatlo, ang pinakamatunog at pinakamaanghang na salitang palaging binabanggit sa mga fil11 at fil12 classes ng pamantasang ateneo de manila, na siya rin namang isa sa mga pinakamalalaking reklamo ng mga marxista: ang dehumanisasyon. opo mga kaibigan, kaming mga cs majors ay dehumanisado rin, hindi lamang ang mga magsasaka at mga manggagawa.

kung inaakala mo na ikaw na ang pinakamatalinong tao sa mundo dahil ang dami mong alam na programming languages, at kung tuwang tuwa ka sa bawat achievement mong makagawa ng isang napakatalinong program code na para bang ikaw lang talaga ang may kakayahang mag-isip ng ganon sa mundong ito, pwes, kabahan ka. huwag na huwag mong kakalimutan na ang pagpoprogram ay pakikipag-usap sa makinang pinapagana mo. kung maaalala mo ang history ng computing, dati, mga low-level programming languages lang ang ginagamit ng tao, nangangahulugang malapit ito sa wikang naiintindihan ng mga makina at malayong malayo sa likas na katalinuhan na tao. kaya nga nadevelop ang mga high-level languages katulad ng java, c, at c++ eh, dahil gumagamit ang mga ito ng mga salitang nakikita natin sa wikang ingles at tinatranslate na lamang sa wikang naiintindihan ng mga makina, ang binary code. 10010101010010110011

kahit sabihin pa nating high-level language na ang ginagamit natin sa pagpoprogram, the mere fact na pinag-aaralan mo ang isang programming language ay nangangahulugang ibinababa mo ang lebel ng pang-unawa mo sa kung ano lang ang naiintindihan ng isang makina. eh makina ka ba? hindi mag-aadjust sayo ang computer na pinoprogram mo kaya kailangang ikaw ang mag-adjust sa kanya. kailangang mong maging isang makinang katulad niya.

isa pang interesanteng tanong eh papano na lamang kung nawala na ang lahat ng mga computer sa buong mundo. ano na lang ang magiging kabuluhan ng isang computer scientist bilang isang tao sa lipunan? sa ganitong paraan, hindi mo lang nahahalata pero ninanakawan ka ng kabuluhan at pagkatao at unti-unti ka nang nagiging dehumanisado. matakot ka kung hindi halata yung pagdedehumanisang ginagawa sayo. lalo kang matakot pag feeling mo matalino ka talaga at mataas ang tingin sayo ng mga tao dahil "walking compiler" ang tawag sayo ng mga kaibigan mo. hindi ka dapat natutuwa sa ganung klase ng banat.

at syempre, dito na pumapasok yung ikaapat kong punto, kung kelan halos kumpleto na ang pagkadehumanisa sayo at marunong ka nang magprogram o makipag-usap sa makina: ang alienisasyon.

ito ang dahilan kung bakit naiistereotype ang mga cs majors bilang mga nerd o mga geeks. walang ibang makaiintindi sa mga katarantaduhang pinagsasasabi nila kung hindi sila-sila lang rin, at hindi sila matutulungan ng mga ordinaryong nilalang lamang. sya nga pala, ni hindi mo pwedeng tawaging "katarantaduhan" yung mga gawain nila, dahil bilang mga tao na nag-aaral tungkol sa mga computer, natural lamang na tungkol din sa mga computer ang maging problema nila, kaya wala kang karapatan para husgahan yun. pero nakakatakot ang mga implikasyon nun kung kinakailangang maging natural ang alienisasyon para mapag-aralan mong mabuti ang mga computer. ang masama pa dito, hindi mo kasalanang walang ibang makakaintindi sa iyo.

ngayon, kung walang nakakaintindi sayo, saan ka kukuha ng mga kaibigan mo? syempre, ede sa mga ka-course mo. but then again, alienization 'to. kaya ka nga may kaibigan eh diba, para pag may problema ka, meron kang mapagkukwentuhan. papano mo ipapaliwanag yung hirap at sakit na nararamdaman mo kung wikang makina lang ang nakakaintindi dito at hindi yun kayang abutin ng taong kausap mo? papano mo ieexplain yung insecurity na nararamdaman ng isang baguhang programmer sa mga kaklase nyang expert na expert na, kung yung mga kaibigan naman nya eh hindi kayang abutin yung mga pagpapaliwanag nya?

kung computer ang kakausapin mo, may mapapala ka ba? eh mismong mga comments mo na nga lang may syntax pang kailangan sundin eh. kailangan, pati comments mo, itatranslate sa wika ng makina. pag aprub naman na yung syntax nya, anong gagawin ng computer? comments are simply ignored by the compiler.

isang maikling eksena mula sa last session, o evaluation, ng intact class namin (intact = introduction to ateneo culture and traditions, in other words, homeroom):

miggy: so far, ano naman yung mga natutunan ninyo sa intact?
matt: na ang intact ay isa palang malaking aksaya lamang ng pera! bwahaha.. (medyo nahiya, kaya biglang bawi) pero syempre intact won't be fun without miggy!! yey!
meklot: ciw! nung nagpunta tayo sa correctional.
will: we learned how to bkjwbkjwhlwjll [basta something na may kinalaman sa computers eh]
matt: ha?
clang: ha?
ding: ha?
andrea: what? oh, yeah... that.

ewan ko ba kung bakit ko sinasabi tong mga to. siguro, kasi, ang gusto ko sanang isagot sa tanong ni miggy eh nung may session kami tungkol sa "burning yes," kung saan pinag-isipan naming mabuti kung nag-aalab pa ba yung motivation namin na tapusin yung computer science. ewan ko, baka ngayon ko lang to nararamdaman, pero feeling ko, hindi na.

kung mapapansin nyo, may throws Exception statement ang method na ito. ngayon, kung isa ka sa mga exception na itinatapon dito, well... ewan. basta good luck na lang sayo.
*/

System.exit( 0 );

}

Saturday, March 3, 2007

summer!!!!!!!!!!!!!!!!!!

oi!!! Sa summer ah... yun mga kukuha ng psych.... section A tayo ah!!mag-enlist na tayo dun lahat!! para sa simula pa lang... "Hi, do I know you? Of course I do!" aahahah.. joke lang. XD 7:30-9:00 am nga pla yun klase.

Sino sasama sa akin sa Chinese? WANTED: sasama sa akin sa Chinese A na foreign lang. =P

yahoo.

lost na naman si blog.
magcello's tayo minsan. seryoso. kelan nyo gusto?