Tuesday, January 15, 2008

I(n)complete.

Sabi ko kaninang umaga paggising ko for this hellish day na uuwi ako agad
at matutulog. But, no! Hindi successful ang attempt kong 'yun, of course
dahil nagpunta pa kami sa Sandbox ni Railove at Kimmie para sa impromptu
"treat" ni Rai. Sumunod naman si Boss Migs at si Mommy Oyen para sa halos
dalawang oras ng tawanan lalo na habang pumupulot ng takip ng C2 Apple nang
sabay. Nagcommute akong mag-isa pauwi at mapalad namang may trike (syempre,
nasa trike terminal kasi ako) at may dumaan kaagad na Lamuan jeep para hindi
na ako maghintay ng isang dekada at madaanan ng isandaang mga pasahero ng LRT.

Nakakatuwa nga kasi napaparami na kami ng labas ngayon kasama ang block. In
fairness, improving naman ito kasi nakaka-isang linggo pa lang plus 2 days ng klase
pero sandamukal na ang escapades namin.

Lunes (010708) - Wala. Ang weird nga e. Sabog ang lahat. Lost. Kahit sa caf parang
lahat nagmamadaling umalis. Hindi ko alam kung anong meron sa araw na 'yun pero
iisipin ko nalang na First Day Blues lang.

Martes (010808) - Wala rin. Naaalala ko lang na nagpunta kami sa CompSAt room at
nagmuni-muni tungkol sa nalalapit na pag-graduate nila Boss. Yeboy! Trabaho = pera!
Pwedeng-pwede na ako magpalibre ng Pringles na mukhang chocolate flavor sa kanila
ni Mommy Oyen!

Miyerkules (010908) - Red Ribbon noong tanghalian. Mabuhay ang empanada at
Banoffee pie! Kasama sina Ding, Clang, Rai, Mika at Gillian at umupo sa paboritong
pwesto ng N sa Red Ribbon. Nagkayayaan lang dahil naisip na rin naming sa Biyernes
na lang mag-lab para makapaghanda para sa kamatayan...este...makapag-aral para sa
AMC long test kinabukasan.

Huwebes (011008) - McDo kasama ang karamihan sa block (Matt, Sher, Ding, Clang,
Nelboy, Gillidugs, Mika, Rai, Kim) at si Karadoodles. Kinailangan naming magdiwang dahil
hindi kami nilapa nang buhay ni Doc Muga gamit ang kanyang LT papers.

Biyernes (011208) - Kumain sa Jollibee nung umaga kasama ang mga taong mababanggit
sa ibaba mamaya. Nagkayayaang manood sa Globe Platinum Cinema pero dahil sa
papansin na nagreserve ng buong lugar para sa sarili nya (hanggang ngayon, iniisip ko
pa rin na nakakatawa 'yun kung mag-isa lang s'ya sa kalagitnaan ng 40++ seats at
kaban-kaban na popcorn), hindi kami nakakuha ng ticket sa Gateway. Dahil dyan,
naisipan naming magpunta ng Eastwood at doon na lamang manood. Pero sa kasamaang
palad (o baka dahil mabagal lang talaga ang N walk), hindi na naman kami umabot.
Kumain na lamang kami sa Fazoli's at nilamon ang kanilang masasarap na garlic bread.
Naglaro kami ng bowling pagkatapos at ehem, naka-88 ako sa aking unang opisyal na laro.
Dairy Queen ay hindi mawawala sa aming itineraryo s'yempre kaya dumaan muna kami
para bumili ng Blizzard at para na rin makita si Thor na pinag-aagawan naming lahat.
Kasama ko rito sina Nelboy, Railove, Ding, Clang, Mika, Kim at Matt. Nagkayayaan lang.
Impromptu. Unplanned. Wow, unplanned. Parang teenage pregnancy ni Jamie Lynn Spears.

Lunes (011408) - Kumain sa KFC pagkatapos magpunta sa aking bahay kasama sina Nelboy,
Ding, Clang at Matt. Pumunta sa bahay nila Ding pagkatapos at nanatili dun hanggang
January 32. Ay, biro lang. Hanggang ala-una y media lang pala ng madaling araw. Pasado
ang lakad na ito bilang 'opisyal' dahil kailangan talagang gawin ang mga nasabi sa itaas
para matapos ang CS deliv. Oo, kailangan kumain ng manok at mashed potato para
makagawa ng ERD at para mai-describe ang relationship na "has" sa data dictionary.

Martes (011508) - Naikwento na sa taas. Nagkayayaan lang para rito dahil nga kailangan
na naman magdiwang sa pagtatapos ng isang araw na kabaliktaran ng nirvana kung ikaw
ay Buddhist, kabaliktaran ng moksha kung ikaw ay Hindu, o kabaliktaran ng langit kung
ikaw ay Kristiyano o drug addict.

May napansin ka ba?
Bilangin mo 'yung frequency ng mga taong nakakasama ko.

TALLY:
Railove = 4
Ding = 4
Clang = 4
Mika = 3
Kim = 3
Nelboy = 3
Matt = 3
Gillidugs = 2
Sher = 1

Alam mo ba kung ilan lahat ang N2010?
27.

Laging sinasabi na kami na marahil ang batch sa CS na pinakamalapit sa isa't isa pero
hindi ba mas maganda na dalawampu't anim na tao ang maisama ko sa tally sa susunod?

Hindi kami nagkakaroon ng ganoon kalalaking away na nauuwi sa dibisyon ng block.
Sama-sama pa rin naman kaming umuupo sa caf kapag nagkakataong naroon ang lahat.
Madali pa ring makausap ang kahit na sino sa block.
Pero may kulang. Mukhang tama nga ang sinabi ko sa isang post noon na 2007 ang taon
natin. 2007 LANG. Paano na ngayong bagong taon? Ano na ang mangyayari sa atin?
Mailalayo na lang ba tayo sa isa't isa ng ating mga bagong kaibigan, ng ating mga
kakarampot na problema, o mga numero at letrang mas nagiging matimbang na sa
halos dalawang buong taon nating pagkakasama?

Nang dumating sa sukdulan ang pagiging malapit natin sa isa't isa, walang pag-aalinlangan
kong nasabi na mas masaya ang buhay kolehiyo kaysa buhay hayskul dahil sa mga
kaibigang natagpuan ko sa puntong ito ng aking buhay. Sana naman ay 'wag basta-bastang maitapon ang mga alaala nating napagsaluhan. Kahit bigyan pa ako ng ilang kahon ng
Cello's cheese doughnuts ay hindi ko ipagpapalit kung anuman 'yung mayroon tayo. Blockmates kayo, e. Iba 'yun. Sa totoo lang, (pasensya na kung magtutunog Matt ako sa sasabihin ko) madalas na kayo na lang 'yung nagiging dahil ng pagsstay ko sa CS. Kapag dumarating kasi ako doon sa puntong parang ayoko na talagang gumawa ng ftw na deliv o magbasa ng ftw sa length na histo readings, isang joke niyo lang, kurot, sipa, tadyak, suntok, batok, kotong, pendong, poke, hirit, banat, asar, bulyaw, sumbat, sigaw, tawa, halakhak, bungisngis, at ngiti, ayos na ako. Solb na. Hindi na kailangan ng extra rice o dessert. 'Wag niyo lang akong aasarin tungkol sa pagiging pseudo-lalaki kasi baka isang malaking sapak na lang ang maibigay ko sa inyo. Haha. Alam niyo namang biro lang 'yun kasi kung hindi, marami na kayong black eye (kayo = EHEM LIBAN, JAM at GILLIDUGS) sa daming beses niyo na akong inaasar.

Naaalala ko tuloy nung preparation para sa ACM nung nag-volunteer tayo dati. Nagtampo ako dahil hindi kayo tumutulong sa blue collar labor na ginagawa ko noon at naglalaro lang kayo sa maleta transporter ng mga bellboy. May kung anong drama pa ako nun na ayaw niyo sa'kin kaya magshishift nalang ako. Ang uto-uto ko naman kasi madaling lumambot ang golden heart ko nang may magsabi sa inyo na 'yun ang paraan niyo ng pag-aappreciate ng aking presensya at hindi niyo naman ako ayaw talaga. Medyo lang. Haha! :))

Kaya naman kung hinahatak ko kayo na sumama sa isang block activity, alalahanin niyo na lang na 'yun ang paraan ko ng pag-aappreciate ng iyong presensya at sadyang gusto ko lang kayong makasama para may magtuturo sa'kin mag-ice skate (ehem, ej), may makakasama ako mag-futsal (ehem, ate honey), may kakalabanin ako sa pusoy (ehem, raf), may kasabay akong kakanta ng disney songs (ehem, alvin), may magtuturo sa akin ng dijkstra's algorithm (ehem, wil) at kung anu-ano pa.

Sana mangyari na 'to. Hindi ko na sana kailangan pang
maghintay ng isang dekada at madaanan ng isandaang mga pasahero ng LRT. Sana, isang text, isang tawag, isang kalabit, isang PM, at isang yaya lang, game na.

Kasi sa totoo lang, miss na kita, *insert your name here kung blockmate kita*! :)

1 comment:

Anonymous said...

Miski ang former blockies? XD Haha